Surely, walang animal na nasaktan dito.
Pero marami-rami din ang pinggang hindi nahugasan in the making of my thesis. (Nakabasag pa ako mg platito. Tsk tsk tsk.)
Nawalan na din kami ng dining table ng asawa ko. Last night, doon sya sa countertop ng kitchen namin kumain, habang sitting pretty sila Tadiar, Hau, Ileto, Rafael, at Jenks sa la mesa namin. I am so blessed that my husband is so understanding.
Again, ang thesis pala ay parang pagbubuntis. Maraming costs ito at isa na yung mawalan ka ng proper na buhay for ilang months. Wish ko lang na paglabas ng “baby” ko ay cute na cute naman siya para naman worth it. Kung hindi, at least may consolation in knowing that ito lang ang baby na pwede kong itapon o di kaya sunugin para makalimutan na for the rest of my life.